Sandiganbayan, kayo ba ang tagapagtanggol ng bayan o tagapagtanggol ng naka-iilan?
Nakakahiya basahin ang nasa pahayagan araw araw. Meron tayong Sandiganbayan na dapat ay tagapagbantay ng kaban ng bayan. Pero puno ng katiwalian na lumalagpas lang at hindi man lang nalilitis. Sana mabasa ito ng mga taga Sandiganbayan lalo na dun sa naglilitis ng mga bigating manloloko sa gobyerno.
Naniniwala pa rin ako sa kakayahan ng gobyerno natin pero kailangan nang magwalis sa bakuran nito at tanggalin ang mga basura na nagpapadumi sa gobyerno.
Maniwala ka kababayan, maganda ang Pilipinas. Ipinagmamalaki ko ito pero hindi ang karamihan sa gobyerno.
Lacson, Madrigal, Roxas, Trillanes, Pangilinan at buong senado : isang hakbang na lang kayo para maging tunay na bayani. Sana marinig nyo ang hinaing ng mga tao na naghahangad ng tunay ba pagbabago sa pamahalaan. Sana simulan nyo ang pagbabago sa bayan natin.
Mayor, Gobernador, Kongresista: isang pakiusap lang, sana maalala nyo na ang posisyon nyo ay para sa paglilingkod sa bayan at malaki ang maitutulong nyo sa bayan natin.
Militar at Pulis : Sa inyo nakasalalay ang kaayusan at malaki ang paghanga ko sa inyong paglilingkod. Syempre, maliban sa ilan nating kapatid sa serbisyo na nawawala sa landas.
Mga kababayan, wala mang bigas…tuloy ang laban para sa maunlad at mapayapang Pilipinas!
Friday, April 11, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment